Biyernes, Abril 17, 2015

The EPIC FAIL Trip

Yung feeling na pinipilit mong pagkasyahin ang budyet mo papunta sa malayong lugar, nagpakapagod maglakad sa ilalim ng sikat ng araw para mas makatipid, tapos nadiskubke mo, maling ruta pala ang dinadaanan mo?!


Ika-17 ng Abril, araw ng Biyernes. Isa ito sa mga araw na hinding-hindi ko makalilimutan! Para kaming si Dora the Explorer na naligaw dahil nakalimutang dalhin si MAP. At para kaming mga batang yagit sa sobrang stress dahil sa sarili naming ka-engotan.
Nagdesisyon kasi kami ng kaibigan kong si Anna na pumunta ng UCC(University of Caloocan City). Tatlo dapat kami na pupunta roon, ako, si Anna at si Mylene (na sa kasamaang palad ay tinanghali ng gising kaya hindi nakasama). At dahil nga isang oras na ang nakalipas at wala pa rin ang ang anino ni Mylene sa aming hintayan ay nauna na kami. Napagpasyahan naming sumakay ng tricycle para hindi kami maligaw since hindi namin kabisado ang daan papunta sa UCC.

Nasa terminal na kami ng tricycle noon at agad na may nag-entertain sa amin na driver para siya ang maghatid sa aming paroroonan.

"Mga hija, saan ba kayo?" tanong noong Driver.

"Sa UCC po." sabi ni Anna.

Kumamot ng ulo ang driver at sinabing "Saan 'yon?"

"Sa Vicas po." sagot naman ni Anna.

tumango ang driver na animo'y alam na niya ang aming sinasabi. "Ah gan'un ba? oh sige! 60 pesos papunta do'n. sakay na kayo."

Nag-isip muna ako at kinuwenta sa aking isipan ang pera ko kung magkano na lamang ang matitira sa akin. Mayroon lamang kasi akong budyet na 80 pesos kasya na para sa pamasahe at pangkain. Si Anna naman, binigyan ng 150 ng kanyang tita.

nakarating na kami sa Vicas noon nang magtanong ang driver. "Mga hija, saan ba talaga kayo papunta? Vicas na 'to eh." sabi niya.

"Sa UCC po manong" sabat ni Anna.

"UCC? Saan ba 'yon?" kunit noong tanong ng driver.

Napakamot naman ng ulo sa Anna. Hindi na ako nakisali sa usapan nila dahil kahot ako, hindi ko alam kung nasaan ang UCC. "Uhm...Manong, kaya nga po kami nagpahatid eh! kasi hindi namin alam kung san ang UCC." sabi ni Anna.

Napakamot nanaman ng ulo ang driver, pagkuwa'y bumaba sa tricycle at nagtanong sa isang babae kung nasaan ang UCC ngunit ayon sa pagkakarinig namin sa kanilang usapan ay wala sa kanilang ma-alam kung nasaan ang nasabing unibersidad. Sumakay ulit ang Driver sa tricycle at pumunta sa mga nakapilang tricycle din at nagtanong. 

"Boss! Saan ang UCC?" tanong niya.

"Ah! Doon! Diretsuhin mo lang." dinig kong sabi ng kausap ni manong.

"Sige boss! Salamat."

Sa wakas ay nakita na namin ang isang eskwelahan na pininturahan ng kulay lila at puti. Eto na nga! Eto na nga ang UCC. magpapakasaya na sana ako n'on nang biglang magsalita ang  driver. "Mga bata, kalangan niyong magdagdag kayo ng tig-sampu. Masyado na pala itong malayo. 80 ang kelangan niyong bayaran."

Nagulat kami ni Anna. Ang akala namin ay makakatipid kami o di kaya'y mababawasan ang aming babayarang pero mali kami. NADAGDAGAN PA ITO! pero ano pa ngang magagawa namin? nandito na kami eh. Binigay na lamang namin sa Driver ang gusto niya. Tig-40 kami ni ate Anna. Ngayon, kwarenta na lamang ang natitira sa pera ko. Pero okay lang, kasya pa 'yun pang-uwi.

Pagpasok namin sa UCC ay agad na ibinagay sa amin ang schedule kung kailan namin ipapasa ang requirements na kailangan ng school.

Agad kaming nakalabas ng UCC. Wala pa yatang sampung minuto ay lumabas na kami sa nasabing lugar. At dahil masyado kaming nabilisan sa mga pangyayari sa UCC at hindi pa kami kuntento sa aksyon na nagyari, napagdesisyunan naming pumunta sa bayan. pumara kami ng jeep at ako ang nagbayad para sa aming dalawa ni Anna. 18 pesos na ang nabawas sa pera ko. 22 pesos na lamang ang nasa wallet ko at alam kong kasya pa rin 'yun pang-uwi since balak naming lakarin ang ruta mula bayan hanggang SM Novaliches. Nang nasa bayan na kami ay diretso kami sa paglalakad papuntang mall.

"Anna, tama ba 'tong dinadaanan natin?" napansin ko kasing parang wala ni-isang pasilidad ang pamilyar sa aking paningin sa mga lugar na aming dinadaanan.

"Oo. tama 'yan! 'Diba dire-diretso lang tayo no'n papunta sa SM?" paninigurado ni Anna. Tumango na lamang ako at pinagpatuloy ang paglalakad. Siguro nga ito 'yon. Siguro nakalimutan ko lang ang itsura 'nung daan.

"Ate Anna, Sure ka? Eto talaga 'yon? Bakit parang ang layo ng itsura nito dun sa dati nating dinaanan?" tanong ko. May kakaiba kasi akong pakiramdam na para lang kaming naglalakad sa lugar na hindi namin alam kung saan. Para kaming walang patutunguhan?

"Hmm...'di ko sure eh kasi ang alam ko no'n malawak 'yung kalsada tapos di ganito katataas 'yung steps nung side walk." sabi niya. Parang mas mataas kasi ang sukat ng side walk na dinadaanan namin mula sa mismong kalsada hanggang sa ibabaw ng side walk. "Pero 'diba dinere-diretso lang natin yun noon nung 2nd year tayo?" pagbawi ni Anna sa sinabi niya.

Huminga muna ako ng malalim at nag-isip. inisip ko kung may mali ba kaming nadaan o kung mali ang daan na niliko namin pero hindi ko rin naman maalala kung saan kami  nagkamali ng daan.
"Ate Anna, 'di kaya namali tayo ng daan? limiko tayo sa maling daanan.?" tanong ko.

"Hmm...Parang hindi eh. Kasi alam ko dinire-direcho lang natin 'yung daan at tama naman 'yun. Siguro marami lang talagang nagbago rito. Lumiit yung width ng kalsada tapos tumaas yung side walk mula sa kalsada. Baka marami lang talagang nagbabago after two years.." sabi niya at tumango na lamang ako.

"Ang-dami talagang trip ng mga pulitiko ang daming pinapabago sa pasilidad" biglang sabi ni Ate Anna sinang-ayunan ko iyon at nag-kuwento ng kung-anu-ano para hindi namin maramdaman ang pagod. Napag-usapan namin ang mga politiko at pinag-usapan ang mga pasilidad na pinagawa nila na wala namang katuturan.

Nakakita kami ng road sign na nagsasabing kailangan naming kumaliwa papunta sa SM Novaliches at sinundan namin iyon, 

Ngunit laking gulat namin nang tumambad sa amin ang dalawang highway na hindi mo alam kung saan ang ruta. Para kaming na-estatwa.

NALIGAW NGA TALAGA KAMI!

Nagkatinginan kami ni Anna. Nasa gilid namin ang mga tricycle driver na tila napasing kailangan namin ng tulong nila. Lumapit kami sa isa sa kanila.

"Kuya, magkano po papuntang SM Novaliches." tanong namin. 

"Naku! medyo malayu-layo yun dito eh. Pero para sa inyo, isang daan na lang papunta do'n."

WTF! isang daan?! As in 100?! Nagtitipid nga kami ng pamasahe tapos sisingilin kami ng isang daan?! At ngayon, pinipilit kami ng driver na sumakay na at makapunta na sa aming paroroonan.
Humindi na lamang kami ni ate Anna at nagdesisyon na maglakad na lamang pabalik o di kaya'y pumara na lamang ng jeep.

Pero hindi pa kami nakakapara ng jeep na sasakyan ay dumating ang isang tricycle driver. 

"Mga hija, saan ba kayo at nang maihatid ko na kayo? Di bale, magkakasundo tayo." nakangiing turan ng driver.

"Magkano ba gusto niyo? Hatid ko kayo sa SM, Bayaran niyo ako ng 80 pesos?"  nagkatinginan muli kami ni Anna. Otsenta? masyado pa ring malaki 'yon. 20 pesos na lamang ang pera ko..

"60 pesos po kuya? okay lang?" um-oo naman ang driver sa sinabi ni ate Anna saka siya tumingin sa akin.

"Ano okay lang sa'yo?" tanong sa akin ni Anna. Nag-alinlangan ako kasi nga 20 pesos na lamang ang pera ko.

"Di bale, aabonohan ko na lang." sabi pa niya kaya wala na akong nagawa kundi sumang-ayon kahit nag-aalala ako sa pera ni Anna. Ang unfair kaya no'n! doble ng bayad ko ang ibabayad niya.

Sa huli ay dumiretso kami sa SM Novaliches sakay ng tricycle. Wala nang perang natira sa wallet ko pero may mga pagkain naman akong dala. Nakarating kami sa paroroonan namon nang mapag-alamang sarado pa ang SM at 10 am pa ito magbubukas at bandang 8am pa lang ng umaga noon.

Nagkaproblema pa nga kami sa ibinayad namin sa driver papunta sa SM kasi kulang ang panukli niya ng 10 pesos. Pinilit pa namin siya na kailangan namin iyong 10 pesos na iyon dahil nga masyado nang kulang ang pera namin pang-uwi. 

Sa huli ay ibinigay din naman niya ang sampung piso.


Nang makapasok kami sa SM ay dumiretso kami sa mga book store at nagpalamig. Natatawa kami sa mga nangyari. Napaka-epic ng araw na iyon! Oo, nakakainis dahil nagkulang ang pera namin at imbes na makatipid ay napasobra pa ang gastos namin. Pero ano pa bang magagawa ng pagkainis mo? mababago pa ba no'n ang mga nangyari? HINDI. Mababalik pa ba ang pera namin? HINDI.

Kaya mas magandang tawanan na lamang namin ang mga nangyari. Nakakatuwa lang at nagmistulang sugo ng Diyos ang huling tricycle driver na nakasalamuha namin. Para siyang pinadala para lutasin ang aming problema.

Indeed, God did not leave us as we took that EPIC FAIL adventure.

Lumiko na kami't lahat lahat, naligaw at napagod, hindi pa rin kami pinabayaan ni God.

 Kahit saan tayo mapunta, hinding hindi niya tayo pababayaan. Maaaring maligaw ka pero babalik at babalik ka pa rin sa kanya. Parang gan'on ang naging paglalakbay namin ni Anna. ang kinaibahan nga lang, literal ang sa amin.

Totoo ngang may ibang paraan ang Diyos sa kanyang pagliligtas. Parang sa EPIC FAIL adventure na ito, hinayaan niya muna kaming magkamali, maligaw at tahakin ang daang alam namin pero sa huli, itinama pa rin niya ang dahil alam niyang napagtanto namin na nagkamali na kami.

Ganoon nga yata talaga si God. Hahayaan muna niyang malaman mo ang pagkakamali mo bago ka niya tulungang itama ang mga ito.







Miyerkules, Abril 15, 2015

I Know Nothing About Loving




"I know nothing about LOVING", that's what they always tell me when I say something about 'Love'. Wala pa raw akong karanasan sa pagmamahal dahil isa akong dakilang miyembro ng NBSBO(No Boyfriend Since Birth Organization). Hindi ko daw alam ang nararamdaman ng isang taong nagmamahal. Well, It's true! But that doesn't mean that 'I know nothing about love'.

Ngayon patutunayan ko sa inyo na may alam ako sa 'pagmamahal' na iyan. Una, alam ko ang spelling ng love! L-O-V-E! oh diba ang galing ko! 

Pangalawa, I know the meaning of LOVE. "Love is a feeling of strong and constant affection to a person. oh diba! nag-google pa ako para diyan! 

Pangatlo, I always read romantic books. 

At pang-apat, I was raised by my family with their overflowing love for me. Sila ang nagturo sa akin kung paano dapat pahalagahan ang mga bagay na importante sa'yo, sa buhay mo at sa mga tao sa paligid mo.

Lahat tayo may alam sa pagmamahal. Walang subject na LOVE sa school pero alam mo ang meaning no'n. Mayroon kang sariling paniniwala tungkol doon; pwedeng negative, positive,neutral, etc. (depende sa environment mo.) hindi naman kasi lahat, positive pagdating sa love. Kaya nga madaming relationships na hindi nagwo-work eh. Ultimo mga mag-asawa ay naghihiwalay din.

Wala akong alam sa LOVE? Pwedeng OO at Pwede ring HINDI. Pero ito lang ang sasabihin ko sa iyo, maaaring ang mga taong walang karanasan sa pagmamahal ay ang mga taong makakapagsabi sa iyo kung pagmamahal pa ba iyan o KATANGAHAN. 


Martes, Abril 14, 2015

Life is a big theater.

“All the man’s a stage” according to William Shakespeare. A stage where everything is unpredictable. Where everything is unscripted. And everything is all about EVERYONE.
Stage…is a mirror of one’s life.  And life is a battle between your freewill, heart, brain…and destiny
You wanna know how precious and strange life is?
Come, join me as we discover the secrets of LIFE,